pahinga
One must know when to practice healthy tolerance for realities, when to raise appropriate objections, and when to move ahead. If in the struggle for change, one’s parts that make one stronger begin to wither away, then take cover and be restored. For it is not easy to have to be strong all the time. No one is effortlessly strong. One takes excruciating pains to stay on one’s feet in battle, and receiving life’s blows can wear one out. One must learn to rest.
Text ni Beatrix sometime last month. Minsan tamad ako magbasa ng texts. Lalo na kung mga forwarded lang. At lalo na kung forwarded na nga lang, isang dipa pa sa haba. At aaminin ko, sa sobrang katamaran, itong text na 'to, dalawang araw yata bago ko s'ya binalikan para basahin talaga. Nakakatawang nakakaiyak. Parang nagka-epiphany ako. Pucha. Ang sarap sigurong magpahinga. Yung pahinga na ikaw lang, walang kahit ano, walang ibang tao na makaka-influence o makakaistorbo sa thoughts mo. Yung pahinga na bawal ang cell phone, bawal ang emails, bawal ang Friendster, bawal ang magbasa ng blog ng may blog kasi ayaw mong problemahin ang mga problema ng ibang tao. Yung pahinga na puwede kang magngangawa at maglulupasay nang hindi ka nag-aalala na pagpasok mo kinabukasan, namumugto mata mo at ayaw mong humarap sa officemates mo at makikita nilang galing ka sa iyak. Yung pahinga na puwede kang matulog ng tuloy-tuloy for 72 hours at paggising mo okay na ang lahat sa mundo. Or at the very least, okay na ang buhay mo, nasolusyunan na lahat ng problema mo. Gusto ko ng ganung pahinga.


1 Comments:
maygad! lokaloka ka talaga... hehehe... tamang tama, dahil pagod na pagod ako habang binabasa itong blog mo =) sira ka talaga =) pero miss kita dindin hihihi.
Post a Comment
<< Home