masayang wala lang post
[Ehem.] Hm... Hmmmm... Hmmmmmmmm... Pag masaya 'ko, hindi talaga gumagana ng matino ang utak ko. Mas maayos ako mag-isip kapag malungkot at suicidal na. Sana... ops, careful what I wish for. Ayun, wala lang. (Kaya nga "masayang wala lang post" eh.) Gusto ko lang i-share na masaya 'ko. Uy bihira 'ko 'tong gawin ha. Hahaha. Ano ba. Ang gulo ko ah. Yiiiii, giddy. Hindi ah. Sige, deny pa. Suuus. Kasi may isang taong kailangan ilabas ng ilabas, aliwin, kahit papaano pasayahin. At dahil mahal na mahal ng mga kaibigan n'ya itong tao na 'to, shempre ano bang hindi nila gagawin para sa kanya? Napansin ko na lately, lagi yatang odd mix yung mga grupong nabubuo namin o nasasamahan ko. Pero ang saya. Alam mo yun, yung para kayong isang bag na pinaghalu-halong green peas, kasoy na maalat, sugar-coated na mani, pasas na tuyot na tuyot na medyo maasim na, pero kayo yung pinakamabenta sa supermarket. Panalo. Ganun. O siguro nga, matagal ko lang talaga binuro yung sarili ko. Tapos nagkaka-epiphany ako ngayon. Hahaha.




3 Comments:
paborito ko din dati yung Star Mart na yun. nung bagong bukas pa lang sya at wala pang call center sa tapat, nagpupunta ko dun mag-isa ng 2 a.m. pag di ako makatulog. kunyari nasa Clerks ako. haha!
wowwww ang dalas mag-update ni dindin ngayon haha... uy pano yung gumamela icon sa sidebar mo ang kyuuut
mela: 'di ko alam bakit at anong meron sa mga gas stations. pero ang saya. haha. Clerks ha. :)
kat: hahahaha. uy lawayan mo, baka mausog at maglaho na naman ako! hahahaha. pitas ka lang ng gumamela sa google. :)
Post a Comment
<< Home