everything looks so much better in the morning.

Saturday, June 24, 2006

post-bersdey... take two.

Anak ng tofu. 'Yan. 'Yan na lang ang masasabi ko matapos mawala parang bula ang post-bersdey post. Hay. Blogger, oh blogger, what da hell is wrong with you??? Hrrrrr. Paano 'yan, eh nakuwento ko na eh. Ikukuwento ko na naman ulit? Photos na lang: Ops, bago may mag-react o magtampo, may kuwento muna ako: Weeks ago, biglang nagka-brilliant idea yung isa d'yan na bakit hindi daw kami mag-Beatles Night sa bahay. (Oo, ang kyut-kyut n'ya, ni-volunteer n'ya bahay namin palibhasa sa malayong lupalop s'ya nakatira.) Tapos that same day na naisip n'ya yun, pumunta kami sa bahay nung isa pa d'yan, tambay, tugtog, inaliw namin yung maybahay, tapos na-bring up na naman yung bright suggestion nung isa. Eh di "O sige, kelan?" "Eh di sa birthday ni Din." Siyempre sino ba namang tatanggi at hindi mae-excite sa Beatles Night? "Pero sa bahay namin? Sa birthday ko???" Nyiii. So isip, isip, isip. Isip, isip, isip pa rin hanggang sa mga sumunod na araw, linggo, hanggang sa... nyiiii ulit! Birthday ko na palaaa! At tulad nga ng sinabi ko sa nawalang-parang-bula-na-post-bersdey-post-hrrrrr, ako na yata ang pinakawalang-kuwentang celebrator at host na makikilala mo. Zero birthday-girl skills whatsoever. Tapos may ugali pa 'kong last minute magde-decide na, "Sige na nga." (Much to the frustration of my mom.) Ewan ko, hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Siguro kasi mahiyain ako. (Oo! Totoo! Mukha lang hinde.) Tapos as in hindi ako party person. Tapos nag-aalala ako na baka hindi naman mag-enjoy kung sino mang makiki-bersdey lamon/toma. Ewan, bakit dami kong hangups pag birthday ko! At wala 'yong kinalaman sa pagtanda! Going back, ayun nga, buti na lang ever ready itong mga taong 'to kahit may kanya-kanya pang trabaho at dates (ihihihi)--may isa pa nga d'yan na parang s'ya ang nag-birthday leave. At buti na lang tanggap nilang magulo akong kausap sa araw na 'yon. At buti na lang nakakarga na ang amp sa sasakyan, at may isang paperbag na songhits / chordbooks nang baon. At buti na lang nag-give up na ang mga magulang ko na last minute talaga ang anak nila sa mga ganitong bagay. Kaya ayun, Wednesday night, text text, takbo sa tindahan, takbo sa Market! Market!, text text ulit, tapos *tadaaaan!* hapi na bersdey pa. So ayun, iniisip ko na siguro kaya hindi rin maipinta yung mood ko nung araw na 'yun eh dahil first birthday ito in six (or seven?) years na wala si... alam naman nating lahat kung sino. Siguro kasi nakasanayan nang andyan, tapos biglang *poof!*, wala na. Oo, sanay ka na sa araw-araw pero iba pala kapag may importante o malaking okasyon. Nakakapanibago lang. Kaya nga laking pasalamat ko at nandito itong mga taong ito. (O nagiging corny na naman ako.) At sa mga nakaalala rin, salamat, salamat. Isang malaking [HUUUUUG!] sa bawat isa sa inyo.

1 Comments:

Anonymous slither dude said...

not that i'm hitting on you (promise, layo ko kaya ;p) pero ang ganda mo nga pala pare Ü pati yung nakasalamin mong friend, ang ganda din Ü

a-bente nga po pla ang bertsdey ko Ü

June 26, 2006 4:16 PM  

Post a Comment

<< Home