everything looks so much better in the morning.

Saturday, July 29, 2006

kuwentong (exterior) happiness

Medyo nawala ako sa wisyo pagkatapos ng World Cup. Ewan, 'di naman ako addict. Simpleng supporter lang. Hindi ako nagsa-stats. Nanonood lang talaga 'ko. Habang nagwi-wish na sana may team tayo doon at iniisip kung makikita ko ba sa lifetime na 'to ang Pilipinas na makasali sa pinakamasayang sporting event sa buong mundo.

: : :
Alam mo yung pakiramdam na may nakita kang sapatos tapos na-love at first sight ka dito tapos naisip mo na matagal-tagal na rin mula noong huli kang bumili ng decent na sapatos so eto na, ready ka nang mag-splurge ng konti lang tapos sabay wala pala silang size mo? Nakakaiyak. Pero alam mo rin ba yung pakiramdam na may nakita kang tsinelas tapos na-love at first sight ka dito tapos sigurado ka sa sarili mo na “oo, gusto ko talaga ‘to, mahal ko na s’ya agad,” so eto na, ready ka nang gumastos ng wala sa oras tapos sabay hindi pala ino-honor sa tindahan na ‘yun credit card mo so labas ka, hanap ng ATM, withdraw tapos pagbalik mo ng tindahan wala na yung tsinelas mo? At oo, hindi mo napa-hold sa salestaff yung future tsinelas mo sana. Mas lalong nakakaiyak. Kaya isipin mo na lang yung happiness kung matapos ang ilang buwang paghahanap sa ibang mga tindahan, sa ibang mga malls, eh sa dalawang magkasunod na araw ay mapasa-iyo sa wakas itong dalawang bagay na nagbigay sa 'yo ng sakit ng ulo--at panghihinayang.
Muli, sinong nagsabing hindi sa materyal na bagay makukuha ang happiness? Hihihihi. O, teka lang, 'wag maging judgmental agad. Loko lang eh. Kayo naman. (At mababaw na kung sa mababaw pero ganun na lang ang pagka-amuse ko kaya sinusulat ko 'tong pangyayari na 'to dito. Sabi nga ni Ruthie kahapon, "Matagal-tagal ring pinagkait yang Cherry na 'yan kay Dindin.")
: : :
At, kung sino mang mapadaan dito at mabasa itong entry na 'to, manood kayo ng "Sukob." Must-see talaga. Ang sakit sa dibdib. Parang roller coaster ride. Ang sayaaaaa. The once queen of massacre movies is an effective scary movie actress. May theory kami ni Mama Tek na hindi sinasabi ni Chito Roño kay Kris Aquino kung kailan yung mga eksaktong oras may lalabas na multo hence Kris Aquino’s very believable acting. Ganito rin si Kris Aquino sa “Feng Shui,” ang galing. At oo, pinanood ko rin ang "Feng Shui", sa sinehan. Kaya naman jologs na jologs na ang nanay ko sa 'kin. But no, I’m not a closet Kris Aquino fan. Claudine (pronounced “klaw-deen”) pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home