At dahil minsan ko lang siguro gagawin‘to sa buhay ko, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang bago kong partner:
The Bangs.
An officemate said that while other girls have been trying to outgrow the dreaded Bangs that our moms forced us to sport as little girls, here I am getting the Bangs back into my life once again.
Eh ilang beses ko na ba sasabihin? I am not other girls.
Yes, hence the Bangs.
Seriously, it seemed such a great idea. Until everyone’s reactions and comments. Merong parang gustong himatayin (Mama Tek), may nagustuhan (Jaime), may napa-kamot-ulo (Daddy), may nag-isip-muna-kung-sinong-nakita-n'ya sabay natawa (Big Bro), may parang hindi maka-recover, may parang hindi nila maintindihan kung anong nangyari. Overall, sabi nila bagay daw pero... ang daming pero: Lalo daw akong nagmukhang bata. Mukhang highschool. Mukhang thirteen. Mukhang gradeschool. Patay, paano na lang pag magkasama kayo ni... Waaaaah, tama na!
Pag may nagsabing mukha akong kinder sasapukin ko na.
Honestly, naa-amuse at natatawa lang naman talaga 'ko sa reaksyon ng mga tao. But then, it's embarrassing at the same time. If only I'd known!
Alin bang shampoo na "for slow-growing hair" ang pinakamabisa? Meanwhile, magpapaka-hermit na lang muna ako. Pero para hindi naman masabing kill-joy ako:
Now I feel like I'm Emily the Strange's long lost ate.
Let me be known as Dindin the Stranger from this day forward. On the brighter side, sabi ng isang officemate, may alias na daw ako pag naging kriminal ako.
O s'ya, tama na ang pagiging self-conscious. Pwe.
11 Comments:
nag-iba itsura mo pero ok naman e. tignan ko sa personal bukas. ahihihi! uso ang bangs ngayon anuvah! gusto ko nga pa-digi perm e. hihi.
mukha ka nga... kinder! *ducks*
heehee. biro lang. bagay naman talaga bangs sayo, ah. mukha kang japanese-y. yung tipong shibuya girl. :)
yung mane 'n tail daw mabilis magpapahaba ng hair. ginagamit ko yun kaso di ko alam kung mabilis nga humaba hair ko...
aym like it!!!!!!
you look like jailbait, Dindin. ^_^
"jailbait"
hahaha. sakto ;p
alex: 'di mo pa rin nakikita eh!
anna: ang daya mo, alam mong 'di kita kayang sapukin.
ailene: i like that you like it. hahaha.
mela and slither dude: "jailbait"?!??!
mela, i dunno if i should take that as a compliment or not.
that's it, iki-clip ko na lang 'to hanggang humaba! waaaaah.
if you clip it, i am so posting freshmen pictures in my blog. with your face enlarged.
so you've been warned.
Lagot...
Ni-clip mo sa saguijo kagabi.
ibig ba sabihin nun kakalat na freshman pics mo sa net...
(todo googling na)
paki post sa blog mo ailene.
heehee Ü
sure ba. :P
mga salbahe kayo.
Post a Comment
<< Home